Introducing Project Sunroof
0 (0 Likes / 0 Dislikes)
Mayroong higanteng power plant sa himpapawid
At ito’y lumilikha ng libreng enerhiya na maaaring gamitin ng lahat
ngunit maraming hindi pinakikinabangan ito
Sapagkat kahit na makakatipid ito sa pagbayad ng kuryente,
Ang pagsisimula ng ganitong proyekto ay may kahirapan.
Maraming bagay na kailangang unawain
Gaya ng
Ilang panels ang kailangan?
Sino ang magkakabit?
Magkanong halaga ba ang matitipid?
At paano mo malalaman kung may sapat na sikat ng araw sa iyong tahanan?
Maraming mga taong itinatanong ito sa Google.
Kaya naghanap kami ng mas mainam na paraan
para masagot ang kanilang mungkahi
Kaya naman nagkaroon ng ideya ang isa naming inhinyero
Kung maraming naliligaw sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa solar,
Ba’t hindi nalang sila bigyan ng mapa?
Maaari naming kunin ang mga impormasyong dati nang nasa Google Maps
At gamitin ito upang ipakita kung gaano karami ang sikat ng araw sa bawat bubong
Pagkatapos ay maaaring pagsamasamahin
ang lahat ng mga impormasyong dapat malaman ng mga tao
At lumikha ng isang mapa ng solar na enerhiya
Na kayang ipakita kung gaano karaming enerhiya ang kayang malikha ng iyong bubong
at kung magkanong halaga ang matitipid.
At maaari ka ring i-ugnay sa mga nalalapit na installer sa iyong lugar agad-agad.
Ito’y isang ideyang tinatawag naming Project Sunroof
At sa kasalukuyan, sinisumulan na namin ito sa iilang lugar
Gaya ng Boston, kung saan galing ang Sunroof Team
Sa San Fracisco Bay Area, kung saan matatagpuan ang Google
At sa Fresno, kung saan naninirahan ang ina ng isa naming engineer
Sa madaling panahon, lalaki ang proyektong ito sa buong bansa
At maaaring pati ang buong mundo.
Sa ganitong paraan,
kahit sino, kahit saan
ay makakalikha ng enerhiya mula sa power plant sa kalangitan